PYONGYANG (Reuters, AFP) – Nagtipon sa Pyongyang ang mga banyagang mamamahayag na bumibisita sa North Korea para sa “big and important event” kahapon sa gitna ng mainit na tensiyon sa posibilidad ng panibagong weapons test ng mailap na bansa at paglalayag ng isang U.S. strike group patungo sa Korean peninsula.
Mamarkahan ng North Korea ang ika-105 anibersaryo ng kapanganakan ng tagapagtatag ng estado na si Kim Il Sung sa Sabado at noong 2012 ay naglunsad ng long-range rocket na nagdadala ng satellite para markahan ang petsa. Noong nakaraang taon, nagsubok naman ito ng bagong gawang intermediate-range missile.
Tinatayang 200 banyagang mamamahayag ang nasa Pyongyang para sa pinakamalaking pambansang araw ng North Korea na tinatawag na “Day of the Sun”. Walang ibinigay na detalye ang mga opisyal sa big event.
Uminit ang tensiyon sa Korean peninsula nitong linggo nang magpahayag ang White House na inilagay ni U.S. President Donald Trump ay ang North Korea “clearly on notice” na hindi niya kukunsintihin ang ilang aksiyon. Nagpahayag naman ang North na “ready” ito sa digmaan.
Inilipat ni Trump ang Carl Vinson Strike Group malapit sa Korean peninsula, mula sa nakaplanong pagdaong sa
Australia, bilang pagpapakita ng puwersa at sa layuning mapigilan ang North Korea sa paglulunsad ng isa pang missile.
Aabutin ng siyam na araw bago makarating ang grupo, ayon sa mga opisyal ng U.S.
Inihayag ng 38 North, isang Washington-based think tank, nitong Miyerkules na nakita sa satellite na patuloy ang mga aktibidad ng North sa Punggye-ri nuclear test site, nagpapakitang handa na ito para sa isa pang posibleng nuclear test.
Sinabi ng mga opisyal ng South Korea kahapon na walang anumang indikasyon na napipinto ang North Korean nuclear ngunit nananatili ang North sa state of readiness para magsawa ng ganitong test anumang oras.
Kahapon rin ipinahayag ng Korean Central News Agency (KCNA) na pinanood ni North Korean leader Kim Jong-Un mula sa isang observation post ang pagbaba ng special forces mula sa isang light transport planes ‘’like hail’’ at ‘’mercilessly blew up enemy targets’’.