UNITED NATIONS (AP) – Ibinasura ng Russia nitong Miyerkules ang U.N. resolution na kumokondena sa iniulat na chemical weapons sa isang bayan sa hilaga ng Syria at humiling ng mabilis na imbestigasyon.

Sampu ang bumoto pabor sa Security Council resolution na binalangkas ng Britain, France at United States, kumontra ang Russia at Bolivia, at nag-abstain ang China, Kazakhstan at Ethiopia.

Sinabi ni Russian U.N. Ambassador Vladimir Safronkov sa konseho bago ang botohan na hindi kailangan ang resolusyon, at kaagad na hinusgahan ng draft na isinulong ng Western powers ang gobyernong Syrian bilang responsable sa pag-atake noong Abril 4 sa Khan Sheikhoun na ikinamatay ng halos 90 katao.

Matapos ang botohan, hinarap ni Britain U.N. Ambassador Matthew si Safronkov at tinanong: “How could anyone look at the faces of lifeless children” at ibasura ang resolusyong ito?

Internasyonal

Thailand, kauna-unahang bansa sa Southeast Asia na nagpatupad ng same-sex marriage