UMISKOR ng impresibong 2nd round knockout win si OPBF bantamweight champion Mark John Yap laban kay Thai Ninmongkol Phetphumgym kamakailan sa Sumiyoshi Ward Center, Osaka, Japan.

“Yap scored 5 knockdowns before the fight was ended in the second round, with the final combination being a left uppercut followed by a right cross to the chin that left his Thai opponent sprawled on the canvas,” ayon sa ulat ng Philboxing.com.

Ito ang ikapitong sunod na panalo ni Yap mula nang magbase sa Osaka at napaganda niya ang kanyang rekord sa 26-12-0 na may 12 panalo sa knockout.

Inaasahang magdedepensa ang 28-anyos na si Yap laban kay dating Japanese bantamweight champion Kentaro Masuda na target ang kanyang world rankings bilang WBC No. 11 at IBF No. 10 sa 118 pounds division. (Gilbert Espeña)

Pamilya, naglabas ng opisyal na pahayag sa pagpanaw ni Chino Trinidad