GAGANAPIN sa bansa ang Southeast Asian Basketball Association (SEABA) Championship sa Mayo 12-18 sa Smart-Araneta Coliseum.

Ang torneo ay magsisilbing qualifying para sa FIBA Asia Cup na nakatakda sa Aug. 10-20 sa Lebanon. Ang mangungunang apat na koponan sa Asia Cup ay mabibigyan ng slot sa 2019 World Cup sa China.

Inamin ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio na mahalaga ang torneo at mabigat ang mga kalaban kung kaya’t kailangan ang matikas na kampanya ng Gilas Pilipinas.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“It’s a long journey for us,” pahayag ni Panlilio.

“We have to win it (SEABA), no ifs and buts for Gilas Pilipinas.”

Kinatigan ni National coach Chot Reyes ang pananaw ni Panlilio at sinabing mabigat na karibal ang Thailand, Indonesia, Singapore at Malaysia.

“There is no room for error here in this tournament,” pahayag ni Reyes, inaasahang bahagi ng mga lineup ng karibal ang kani-kanilang naturalized player.

Sa kasalukuyang, 24 player mula sa PBA ang pinagpipilian para sa 12-man lineup ng Gilas Pilipinas.

Sa kabuuan ng paghahanda, sinabi naman ni SBP executive director Sonny Barrios na wala nang alalahanin at nasa ayos na ang lahat ng aspeto para sa matagumpay na kaganapan ng liga.

“We’ll be ready for the SEABA,” sambit ni Barrios.

Makabibili na ng tiket na may halagang P950.00 (Patron A), P900.00 (Patron B), P880.00 (Patron C), P550.00 (BOX VIP), P450.00 (Box Regular), P200.00 (Upper Box) at P100.00 (General Admission). (Marivic Awitan)