Sampung kilo ng hinihinalang shabu, na nagkakahalaga ng P50 milyon, ang nasabat ng mga awtoridad mula sa isang sasakyang nakaparada sa Matnog port sa Sorsogon nitong Martes ng hapon.

Batay sa report ng Sorsogon Police Provincial Office (SPPO), sa pamamagitan ng RORO vessel ay palulusutin umano ng sindikato ng droga sa Eastern Visayas ang nasabing bulto ng shabu na nasamsam mula sa isang Toyota Revo (WLP-687) na nakarehistro kay Ramil Luna Mercado ng Malabon City.

Ayon sa impormasyon ng pulisya, halos maghapon nang nakaparada sa pantalan ang Revo hanggang sa makatatanggap sila ng report na isang sasakyang iniwan sa pier ang may lamang bomba.

Gayunman, natuklasan nila, sa tulong ng mga bomb-sniffing dog, na bultu-bultong shabu ang laman ng sasakyan.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

(Fer Taboy)