PUSPUSAN na ang paghahanda ni longest reigning Filipino boxing world champion Donnie “Ahas” Nietes laban kay Thai Komgrich Nantapech para sa bakanteng IBF flyeight title sa Pinoy Pride 40: Domination sa Abril 29 sa Waterfront Hotel and Casino sa Cebu City.

Naging matagumpay ang pagsabk ni Nietes sa flyweight mula sa pagiging light flyweight at patunay ang panalo niya kay Edgar Sosa via unanimous decision noong 2016.

Sasabak ang world ranked No.3 sa IBF sa world title sa kanyang bagong division. Sakaling manalo, madadagdag sa koleksiyon ni Nietes na kampeonato sa mga naunang panalo sa minimumweight at light flyweight.

Pakitang gilas din sa fight card sina ALA boxer Mark “Magnifico” Magsayo kontra Tanzanian Issa “Peche Boy” Nampepeche at Jeo “Santino” Santisima ng Masbate,kontra kay Master Suro ng Indonesia.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kasama din sa Pinoy Pride 40 ang bagong-pirma ng ALA Boxing na si Junrel Jimenez.