SAN JOSE, Batangas – Isang 46-anyos na lalaki ang binaril at napatay habang nasa loob ng sasakyan na nakaparada sa harap ng kanyang bahay sa San Jose, Batangas, nitong Martes ng gabi.

Sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), kinilala ang biktimang si Orlando Calalo, negosyante, taga-Barangay Aguila, San Jose.

Nasa driver’s seat si Calalo ng kanyang Nissan Patrol (WFH-774) nang lapitan at barilin siya ng hindi pa nakikilalang lalaki bandang 7:50 ng gabi nitong Martes.

Binaril ang biktima sa leeg at dibdib na kaagad nitong ikinamatay. (Lyka Manalo)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito