INDIANA (AP) – Pinatawan ng multang tig-US$25,000 ng NBA nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila) sina Indiana Pacers forward Paul George at Philadelphia 76ers guard Gerald Henderson bunsod nang pagkakasangkot sa gulo sa nakalipas na laro.

Pinagmulta si George dahil sa negatibong komento hingil sa naging tawagan sa kabiguan ng Pacers sa Sixers, 111-120, habang pinarusahan si Henderson dahil sa paniniko sa ulo ni George sa krusyal na sandali ng final period.

Nagkainitan sina Henderson at George – kapwa gigil sa laro -- sa kabuuan ng laro, higit sa final period na naging daan para tawagan sila ng technical foul.

Inulit ni Henderson ang paniniko kay George may 2:59 ang nalalabi sa laro na naging dahilan sa tinamong flagrant foul.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

“You’ll know how I feel about the officials and tonight I really have no faith in them,” pahayag ni George sa panayam ng Indianapolis Star.

“I’ve been warning them all night what (Henderson’s) going to do, stuff he’s doing and they allow shit to go on. He was throwing jabs and punches at my stomach all night and I didn’t retaliate until late in the game when they weren’t doing shit about it,” aniya.