boxing copy

DAVAO CITY – Nabigyan ng pagkakataon ang kambal na sina Jake at Jade Bornea ng General Santos City na maipamalas ang kanilang husay at galing sa pagsabak sa 3rd GAB Philippine Boxing Convention sa Mayo 12 sa Waterfront Insular Hotel sa Lanang.

Haharapin ni Jake (11-2-0, 5 KOs) ng Sanman-Amoy Boxing Stable si Renerio “Amazing” Arizala (13-6-1, 5 KOs) mula sa Jonathan Penalosa Boxing Stable ng Mandaluyong City para sa bakanteng World Boxing Federation (WBF) Inter-Continental Super Flyweight title.

Sasabak naman ang kapatid na si Jade (7-0, 4 KOs) kontra kay dating Philippine Boxing Federation (PBF) light flyweight champion Jetly Purisima (21-22-4, 6 KOs) ng Gensan sa undercard.

Human-Interest

Paano nga ba mag-goodbye ang ilang Gen Zs bago mag-New year?

Ang boxing event ay inorganisa ng Games and Amusements Board (GAB) upang mabigyan ng pagkakataon ang mga lokal promoter, manager at ring official na makapagpamalas ng kanilang mga boksingero sa mas malawak na audience.

“It is a great time to showcase the talents of the Bornea twins,” sambit ni Jim Claude Manangquil, CEO of Sanman Promotions.

Nagapi na ng 21-anyos na si Jake si Arizala via unanimous decision sa kanyang pagdepensa sa WBO Asia Pacific Youth flyweight title noong April 2, 2016 sa Oval Plaza sa General Santos City.

“I will not take him lightly and I’m expexting a better Arizala this time” pahayag ni Jake.

Galing si Jake sa 7th round technical knockout loss kontra undefeated Andrew Selby para sa IBF Inter-Continental flyweight title noong Nobyembre sa Wembley Arena sa London.

Samantala, sariwa pa ang panalo ni Jade bilang IBF Youth super flyweight champion na nakuha niya via unanimous decision kontra Raul Yu ng Cebu nitong February 26 sa Lagao Gym sa Gensan.