ABANGAN ang mga kuwento ng pag-asa at milagro base sa tunay na buhay sa Jeepney TV sa ipapalabas na ilang mga paboritong episode ng Maalala Mo Kaya, nakaraang Lenten specials ng It’s Showtime at ang magandang kuwento ng pelikulang Ignacio de Loyola ngayong Mahal na Araw.

Ibinabalik ng Jeepney TV ang classic na “Poon” episode ng MMK tungkol sa buhay ng isang ina at ang kanyang ‘di natinag na pag-asa at pananampalataya sa kabila ng pagkamatay ng kanyang anak. Pinagbibidahan ito nina Dina Bonnevie, Joel Torre, at Nash Aguas ang at unang ipinalabas noong 2006 ngayong Huwebes Santo, April 13 (10 PM).

Makukulay na kuwento rin ng tunay na buhay ang ipapalabas mula sa special Lenten dramas ng Its Showtime simula ngayong Huwebes Santo hanggang Biyernes Santo, 1PM.

Abangan si Karylle sa kanyang pagganap bilang Haydee Manosca, ang “Stars on 45” grand champion sa Huwebes Santo.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Susundan ito ng “Tinig ng Pangarap” na kuwento naman ng “Stars on 45” champion na si Ricardo Marcial.

Sa “Chucks Ledbetter Story,” si Coleen Garcia ang gumanap bilang “That’s My Tomboy” finalist, at bida naman si Vhong Navarro sa kuwento ng kanyang “Kalokalike” na si Mark Tyler dela Cruz na ipapalabas sa Biyernes Santo.

Tampok sa Linggo ng Pagkabuhay ang 2016 Filipino-produced film na Ignacio de Loyola na unang ipapalabas sa Jeepney TV (8 PM). Ito ay tungkol sa isang lalaki na kinailangang sumuko sa pinapangarap na maging sundalo na naging santo. Base sa tunay na buhay ni Ignacio de Loyola na naging santo ng Simbahang Katoliko, pinagbidahan ito ng Spanish actor na si Andreas Muñoz at directorial debut ni Paolo Dy.

Abangan ang mga natatanging kuwentong ito sa Jeepney TV na mapapanood sa SkyCable Channel 9, Destiny Cable Analog 41 at Digital 9.