Canada at United Kingdom naman ang nagpalabas ng travel advisory para sa kani-kanilang mamamayan at inabisuhan “[to] exercise a high degree of caution” habang nasa Pilipinas dahil sa “high threat of terrorism” sa Visayas at Mindanao.

Sa unang bahagi ng linggo, nag-isyu ang United States at Australia ng kani-kanilang travel warnings para sa kanilang mamamayan matapos makatanggap ng intelligence report ang dalawang bansa na planong mangidnap ng mga dayuhan ng armadong grupo.

Binanggit ng pamahalaan ng Canada ang advisory nitong Abril 9 mula sa United States Embassy sa Maynila na nagbigay-babala sa mga Amerikano sa pagbiyahe sa Central Visayas, kabilang ang sikat na tourism destinations — ang Bohol at Cebu — dahil sa “unsubstantiated yet credible information” sa kidnap-for-ransom threats ng grupong terorista.

Nitong Martes, patay ang sampung katao sa magdamagang bakbakan sa pagitan ng government forces at mga miyembro ng Abu Sayyaf sa Barangay Napo sa Inabanga, Bohol.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Sa travel advisory ng Global Affairs Canada, hinikayat nito ang mga Canadian na iwasang bumiyahe sa Mindanao kabilang ang Sulu archipelago at ang southern Sulu Sea, gayundin ang Palawan Island, ngunit hindi kasama ang urban areas ng Davao City, dahil sa “serious threat of terrorist attacks, piracy, and kidnappings” sa nasabing lugar.

“There is a serious risk of terrorist attacks and kidnappings in this region. Bombs causing deaths and injuries have exploded in public areas of major centers, including the cities of Cotabato, Davao, General Santos, Isabela, Jolo, Kidapawan and Zamboanga,” saad sa abiso.

“Clashes occur between insurgent groups and between armed groups and security forces. These incidents often result in deaths and property destruction, and innocent bystanders have occasionally been taken hostage. Several foreigners have been kidnapped in this region. If you are visiting or living in this region despite this advisory, review your security situation regularly and take appropriate precautions, particularly when visiting places frequented by foreigners,” dagdag pa rito.

Binigyang-babala rin ng Foreign and Commonwealth Office (FCO) ng UK ang mga Briton laban sa pagbiyahe sa Western Mindanao at sa Sulu archipelago dahil sa “terrorist activity and clashes between the military and insurgent groups” at inabisuhan silang maging alerto anumang oras at i-report ang kahina-hinalang pangyayari sa mga lokal na awtoridad.

(PNA)