Napatay ang isang kasapi ng Abu Sayyaf Group (ASG) na sangkot sa kidnap-for-ransom habang malubha namang nasugatan ang isang pulis nang magkabakbakan sa Bilang Island sa Barangay Mercedes, Zamboanga City.

Ayon sa report ni Chief Insp. Elmer Solon, hepe ng Culianan Police, bandang 5:00 ng hapon nitong Martes nang isilbi ang warrant of arrest kay Matiling Addusi, tauhan ni ASG leader Ahabsy Misaya sa Sulu, akusado sa murder at ikatlong big-time na tulak sa Zamboanga City.

Naaresto rin ang mga kasamahan ni Addusi na sina Sabirula Jamahali Basarahi, 40; Marham Omboc Bumpasan, 19; Mohammad Isniri Tating, 40; Adzron Sakiri Madda, 37; Hamja Omar Salim, 28; Abubakar Olasiman Halis, 31; Madi Harija Asmarin, 20; at isang 17-anyos na lalaki.

Grabe ang tinamong tama ng bala sa ulo ni PO3 Zaide Tutuan, na inoobserbahan pa sa ospital.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nasamsam mula kay Addusi ang isang .45 caliber pistol, mga kargadong magazine, habang nakumpiska umano sa loob ng kanyang bahay ang pitong malalaking pakete ng umano’y shabu, na abot ang halaga sa P80,000. (Fer Taboy)