NEW YORK — Sa nakalipas na 20 taon, nanatiling matatag at pinakamahalagang koponan ang New York Yankees.

Sa pinakabagong listahan na inilabas ng pamosong Forbes nitong Martes (Miyerkules sa Manila) nagkkahalaga ang Yankees ng US$3.7 bilyon—siyam na porsiyento ang itinaas sa nakalipas na taon – kasunod ang Dodgers na may US$2.75 bilyon – may 10 porsiyento na pagtaas sa nakalipas na season.

Nasa ikatlo ang Boston na may halagang US$2.7 billyon kasunod ang Chicago Cubs ($2.675 bilyon), San Francisco ($2.65 bilyon) at New York Mets ($2 billion).

Nasa hulihan ang Rays ($825 milyon), Oakland ($880 milyon), Cincinnati ($915 milyon) at Cleveland ($920 milyon).

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

Umakyat din sa 19 porsiyento ang value average ng Major League Baseball team sa halagang US$1.54 bilyon.

Ayon sa Forbes, ang pagtaas sa value ay bunga ng mga bagong kontrata sa television.