Inamin ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez ang kanyang pagkakamali nang murahin niya ang isang mamamahayag na biglaan siyang kinapanayam sa isyu ng pagmimina kamakailan.

Naglabas ng pahayag si Lopez na humingi ng paumanhin kay BusinessWorld reporter Janina Lim kaugnay sa pangyayari noong Huwebes sa DENR Central Office sa Visayas Avenue, Quezon City nang sabihan niya ang huli na “You’re just a f**king employee” at inakusahang walang puso sa mahihirap.

“I do acknowledge that in my effort to impart my perspective, I was inordinately judgmental. Everyone has the right to be what they are. I have no right to put them down for whatever,” saad sa pahayag ni Lopez. (Rommel P. Tabbad)

Tsika at Intriga

'Pati aso dinamay!' Nananahimik na si Daniel, nakaladkad dahil kay Anthony