GAPAN CITY - Limang tama ng bala ang ikinasawi ng isang 45-anyos na barangay kagawad makaraang ratratin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Sitio Velcar sa Barangay Makabaklay, Gapan City, Nueva Ecija, nitong Linggo.

Sa ulat na ipinarating ni Supt. Peter Madria, hepe Gapan City Police, kay Nueva Ecija Police Provincial Office director Senior Supt. Antonio C. Yarra, nakilala ang biktimang si Fernando Vendivil y Gabriel, may asawa, kagawad ng Bgy. Makabaklay.

Dakong 7:00 ng gabi nang matagpuan si Vendivil na nakahandusay sa damuhan, tadtad ng tama ng bala ang katawan ay may pitong metro ang layo sa nakabuwal niyang motorsiklo.

Sa crime scene, natagpuan ng mga awtoridad ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu mula umano sa katawan ni Vendivil at P13,000 cash. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental