Julie Anne San Jose PKLSL copy copy

NAGPASALAMAT si Julie Anne San Jose sa GMA-7 na binigyan siya ng pagkakataong makasama sa afternoon prime drama series na Pinulot Ka Lang Sa Lupa at feeling fulfilled siya sa pagwawakas ngayong Wednesday ng serye na idinirehe ni Ms. Gina Alajar.

“Lahat po kami very in to our characters and I got good support from my co-actors,” sabi ni Julie. “Magaan po ang trabaho and I really want to work with them, na-feel ko po ang buong eksena. Magandang experience talaga sa akin.

Kapag masyado pong intense ang eksena nadadala ko sa bahay, napapanaginipan ko pa kung minsan. Kaya po tama ang sabi ni Direk Gina, after the take, kailangang mag-snap-out agad sa character, marami po ako talagang natutunan dito.”

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Mami-miss niya nang husto si Direk Gina pati na ang palagi nilang pagdarasal sa set bago magsimula ang trabaho, lalo na kung long day ang taping nila, na madalas ay crying scenes. Mami-miss din niya sina Jean Garcia, LJ Reyes, Victor Neri, Allan Paule at siyempre pa, ang leading man niyang si Benjamin Alves.

Mami-miss ba niya si Benj, kahit lagi naman silang magkasama off-cam? Kahit hindi pa sila umaamin, ramdam namang ‘sila na’ talaga.

“Hindi po kami magkasama sa Good Friday, kasi uuwi kami ng family ko sa amin sa Subic. Panata na namin ng buong family, nagsi-serve sa church namin doon at kumakanta ako sa Five Wounds of Jesus. Five years na po naming ginagawa iyon. Last year, kasama ko roon sina Karylle and her husband Yael. Minsan ko na ring nakasama roon si Lauren Young, na taga-Subic din. Si Benj, mayroon din siyang service sa kanilang church, sa Victory Fellowship sa The Fort.”

Magkaiba pala ang church nila?

“Huwag po nating pag-usapan iyon, what’s important, nagkakaintindihan kami. Happy ako na na-meet ko na ang brother niya and his family sa Pampanga. Na-meet na ni Benj nang personal ang family ko.”

Pagkatapos ng drama series, itutuon muna niya ang pansin niya sa kanyang music. Pabirong sabi ng dalaga, kung may soap ulit, sana hindi naman muna iyakan muli. Samantala, sa July ay magkakaroon daw ng special show ang kinabibilangan niyang Sunday Pinasaya sa Singapore.

Mamayang hapon, after ng Legally Blind, mapapanood ang finale episode ng Pinulot Ka Lang Sa Lupa. (NORA CALDERON)