IsabelleDaza copy

MAY mga nag-react sa story post ni Isabelle Daza sa Instagram tungkol sa sombrero na kanyang binili o bibilhin pa lang na nilagyan niya ng caption na, “Buy this hat for my Africa looks?” at “Or FEED children in Africa for the same price.”

Na-bash si Isabelle, kaya hayun, nag-sorry:

“Hi guys, I just wanted to apologize for the previous IG story post on Africa vs hats. It didn’t come off the way I played it in my head — it was insensitive and offensive and I take full responsibility for my actions.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“It was a lapse of judgement and I appreciate the feedback from you guys. Moving forward I will be more mindful of what I post. Again I am sorry.”

Matatandaang hindi ito ang first time na ipinahamak ni Isabelle ang sarili dahil sa comments na nakaka-offend sa iba.

Pero may mga nagtatanggol din naman sa kanya, masyado lang daw sensitive ang ibang Pinoy kaya may konti lang na mabasa, binibigyan na agad ng ibang kahulugan at pinalalaki.

Nasa safari tour sa South Africa si Isabella at ang husband niyang si Andrien Semblat nang i-post niya ang controversial na IG story. (NITZ MIRALLES)