hobe copy

KINAILANGAN ng Hobe Macway Travel ang dalawang overtime bago pasukuin ang palabang Racal Tile Masters sa Game Three ng 2017 Republika Cup Basketball Championship kamakalawa ng gabi sa Malolos Sports and Convention Center sa Malolos City ,Bulacan.

Nanaig ang malawak na karanasan sa commercial league para mapagtagumpayan ng koponan ni coach Braulio Lim ang matikas na pakikimamok ng Racals ni mentor Jerry Codinera na muling nakamit ang panibagong bridesmaid finish.

Lubhang naging mahigpitan ang laban ng magkabilang panig kung saan ay walang makaalagwa ng agwat bawat quarters hanggang sa mapaso ang regulation time sa 86-all para sa unang overtime.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Mas naging mahigpit pa rin ang paltan ng kamada pero natapos uli ang ekstrang yugto sa 106 deadlock para sa ikalawang extra period. Mula sa palitan ng lamang ay pumuntos ng dalawang tres si final’s best player Santiago na sumelyo sa panalo matapos ang krusyal na turnover ng Racal tungo sa pagsaklit ng Hobe Macway Travel ni Erick Kirong at Jame Cafe ng unangg kampeonato sa Republika Cup na inorganisa ni Malolos City Mayor Natividad.

“So close,breaks of the game. Determinado at gutom sa titulo ang mga bata kaya para sa kanila ang tagumpay na ito at sa management . Hats off kay coach Jerry{Codinera].His young wards really refuse to die “, wika ni winning coach Braulio Lim.

Kaagapay sina deputies Rommel Davis at Dennis Lim.