MATAPOS ang ilang buwan na negosasyon, napasagot ng Samahang Basketball ng Pilipinas si naturalized Filipino Andray Blatche para pangunahan ang Gilas Pilipinas sa gaganaping SEABA Championship.
Ayon kay Gilas Pilipinas team manager Butch Aquino, tapos na ang duty ni Blache sa Chinese Basketball Association (CBA) kung saan naihatid ng naturalized Pinoy ang koponan ng Xinjiang Flying Tigers sa kampeonato.
“Like I said before, we are working with the group of Andray and we have come to terms,” ayon kay Antonio nitong Lunes matapos ang ensayo ng Gilas Pilipinas.
Kaugnay nito, pinayagan si Blatche ng SBP upang makapahinga at maka-recover buhat sa una nyang torneo mula noong 2016 FIBA Olympic Qualifying Tournament kasama ng Gilas.
“Date na lang pinag-uusapan kung kelan siya darating. As you all know, he just won a championship in the CBA. We’ll let him just rest a bit and then just determine when he will arrive,” ayon kay Antonio.
“Baka late April., he’ll be here. But definitely, he will play for us,’ paniniyak ni Antonio.
Umaasa ang SBP na sa pagbabalik ni Blatche ay nasa kundisyon ito para tulungan ang Gilas sa darating na SEABA meet sa Mayo. (Marivic Awitan)