BALIK aksiyon si dating IBO super featherweight champion Jack Asis ng Pilipinas upang hamunin si WBA International junior lightweight titlist Can Xu sa Shan Xi Normal University Stadium sa Xi An, China.

Huling lumaban si Asis nang dumayo sa Gauteng, South Africa at natalo sa hometown decision kay dating IBF super featherweight champion Malcolm Klassen kaya naagaw ang kanyang IBO belt noong Agosto 8, 2016.

Pansamantalang nagretiro si Asis ngunit nagbago ng isip nang alukin ng laban kay Xu na nakalistang No. 2 contender kay WBA super featherweight champion Jezreel Corrales ng Panama.

Minsan lamang lumabas ng China si Xu at nanalo sa puntos sa Greenland, Australia pero ngayon lamang siya lalaban sa isang Pilipino at hindi pipitsugin si Asis na nagtala ng 14 sunod na panalo na nasingitan lamang ng isang tabla mula noong 2011, tampok ang siyam sa pamamagitan ng knockout.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

May rekord si Xu na 11-2-0 kumpara sa beteranong si Asis na may 35-19-5, kabilang ang 18 knockout. (Gilbert Espeña)