Pagkakataon na ni one-time world title challenger Lorenzo Villanueva ng Pilipinas na makabalik sa world rankings sa kanyang paghamon kay WBO Asia Pacific super featherweight champion Masayuki Ito sa Abril 13 sa Korakuen Hall sa Tokyo, Japan.
Nawala si Villanueva sa world ranking matapos lumasap ng unang pagkatalo kay dating IBO featherweight champion Daud Yordan ng Indonesia na napabagsak niya sa 1st round ngunit tinalo siya via 2nd round knockout sa 2nd round noong 2012 sa Singapore.
Nagkamada si Villanueva ng pitong sunod na panalo bago naputukan ng kilay at natalo via 5th round TKO ng kababayang si Jerry Castroverde noong 2015 at mula noong ay nagsalansan ng tatlong sunod na panalo via stoppages sa mga beteranong sina dating Philippine super lightweight titlist Eduardo Baluarte (TKO 3), Jovany Rota (KO 7) at ex-WBC Asian Boxing Council bantamweight champion Richard Besto (TKO 4).
Malaki ang mawawala kay Ito na kasalukyan din OPBF junior lightweight champion at nakalistang WBO No. 4 at WBC No.15 sa super featherweight division.
May rekord si Ito na 20-1-1 win-loss-draw na 9 may panalo sa knockouts samantalang si Villanueva ay may kartadang 32-2-0 win-loss-draw na may 28 pagwawagi sa knockouts. (Gilbert Espeña)