TARLAC CITY – Lima ang nasugatan at kaagad na isinugod sa ospital matapos na masalpok ng isang truck ang likuran ng sinasakyan nilang tricycle sa Barangay San Rafael, Tarlac City, nitong Linggo ng gabi.

Kinilala ni PO3 Joey Agnes ang mga nasugatan na sina Dennis Manalili, 20, driver ng Chongging motorized tricycle (RU-3246); Lyncel Deciembre, 19; Princess Deciembre, 10; Irish Deciembre, 6; at Lhianne Manalili, tatlong buwang gulang, pawang taga-Bgy. San Sebastian, Tarlac City.

Dakong 10:00 ng gabi nang masagi ang tricycle ng Isuzu truck (AWA-6683) na minamaneho ni Danilo Madamba, 45, may asawa, ng Bgy. 13, Libnaoan, Piddig, Ilocos Norte. (Leandro Alborote)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito