STO. DOMINGO, Nueva Ecija - Isang 35-anyos na magsasaka ang dinukot ng tatlong armadong lalaki sa Purok I, Barangay Dolores, Sto. Domingo, Nueva Ecija, nitong Sabado ng hapon.

Batay sa salaysay ng dalawang pamangkin ni Jonamer Manapol y Madrid, dakong 2:00 ng hapon at nagtatrabaho sila sa bukid sa Purok I sa Bgy. Dolores nang dumating ang tatlong hindi nakilalang suspek na sakay sa dalawang motorsiklo, nakasuot ng maskara, at armado ng maiiksing baril.

Anila, sapilitang isinama ng mga suspek si Manapol.

Sa follow-up investigation ng Sto. Domingo Police, nabatid na si Manapol ay una nang naaresto ng Quezon Police dahil sa pagkakasangkot umano sa droga. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental