Hindi pinalampas ng mga kumpanya ng langis sa bansa, sa pangunguna ng Flying V at Pilipinas Shell, ang Semana Santa dahil muli ang mga itong magpapatupad ng big-time oil price hike ngayong Martes.

Sa pahayag kahapon ni Julius Segovia ng Flying V, epektibo dakong 12:01 ng madaling araw ng Abril 11 ay tataas ng P1.10 ang kada litro ng gasolina at 90 sentimos naman sa diesel at kerosene.

Hindi naman nagpahuli ang Shell na magpapatupad ng kaparehong dagdag-presyo sa petrolyo bandang 6:00 ng umaga ngayong araw.

Ang nasabing dagdag-presyo sa petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

(Bella Gamotea)