MATAPOS graduation ni Alyssa Valdez sa Ateneo marami na ang nagduda sa kakayahan ng Lady Eagles na makalagpas ng elimination round ng UAAP women’s volleyball championship.

Karaniwan ng sinasabi na hindi na magiging kagaya ng dati ang Ateneo at mahihirapan na itong magpapanalo di tulad nang panahong naglalaro ang pamosong si Valdez na nag-iwan sa Lady Eagles ng dalawang UAAP title at nakalimang sunod na finals appearance.

Ngunit, taliwas sa inaasahan nagawang tumapos ng Ateneo na topseed sa pagtatapos ng UAAP Season 79 eliminations makaraang kumpletuhin ang pagwalis sa kanilang archrival De La Salle.

“It’s something that’s really fulfilling for everyone on the team because not a lot of people expected us to come out on top, let alone reach the semifinals,” pahayag ng Lady Eagles skipper at setter na si Jia Morado kasunod ng kanilang four-set win kontra Lady Spikers 12-25, 25-20, 25-21, 25-19.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Mas naging impresibo pa ang nasabing panalo dahil hindi naglaro ang pangunahing outside hitter ng koponan na si Jhoana Maraguinot na pinagpahinga sa naturang laro.

“We make it a point, in training, to use everyone so that when they come in the game they will always be ready to play,” ayon pa ka Morado. “So we weren’t surprised that we had a different first six, and we actually expected today’s rotation.”

Ngayon, kakailanganin lamang ng Ateneo ng isang panalo para muling makausad sa Finals sa ikaanim na sunod na pagkakataon. (Marivic Awitan)