Kris Aquino

WALANG kaduda-duda na nami-miss nang husto ng tao si Kris Aquino batay sa ingay ng maraming followers (hindi lang fans kundi pati haters) niya sa social media nang ipalabas ang kanyang two-hour travel special na Trip ni Kris sa GMA Network nitong nakaraang Linggo ng gabi.

Nag-trending nationwide ang Trip ni Kris na nakatapat ng programa ng ‘asawa’ niyang si Vice Ganda.

Umabot sa 16.6K ang nag-tweet ng #TripNiKris samantalang umabot naman sa 6,315K ang #GGVWinnerSaSaya, kaya kahit naroroon sa bakasyon sa Male, Maldives ang mag-inang Kris at Bimby ay agad nagpasalamat ang Queen of All Media sa mga nag-abang at nanood sa kanyang show.

Human-Interest

Ang Pasko sa loob ng selda at mga munting hiling sa likod ng rehas

Aniya sa kanyang post sa Instagram kasama ang screen capture photo sa trending topics nang gabing iyon, habang umeere ang show, “Thank you for this! I hope you are enjoying watching #TripNiKris.”

Pagkaraan ng ilang minuto pagkatapos ng two-hour special, nagpasalamat uli siya kasama ang photo ng Minalungao National Park at quote sa Bible (Psalm 46:10):

“Thank you to all who stayed up late to watch the entire #TripNiKris. Hindi n’yo lang alam how your faith in me and your effort to watch my return to TV has given my heart so much joy. I am now exercising every ounce of self-control to not share with all of you my extraordinary GOOD NEWS. Because you have been part of my life journey. But -- until I sign the contract, meet in Los Angeles on Easter Monday, and formally seal the deal, I need to 100% respect the NDA we signed... if I violate -- baka bawiin pa, and this is really a dream opportunity come true for me.”

Ibang-iba na nga si Kris ngayon, kaya na niyang magtago ng sekreto tungkol sa bagong career na papasukan niya.

Kahapon, ito naman ang post ni Kris kasama ang photo niya (ginamit namin sa isyung ito – Editor):

“Na-shock my Ate (Ballsy Aquino-Cruz) -- because I ventured outside before sunset. We had a good buffet breakfast and now I’m back in the room being a nerd and about to start reading again... if you used to watch KrisTV, you might remember that visiting here was part of my travel #bucketlist. This 2017, I fulfilled my wish to go to Padre Pio for a pilgrimage in San Giovanni, we’re now in the Maldives, and the last in my list is to walk in the lavender fields of Hokkaido (I researched and it’s normally in July.) P.S. #nofilter #crystalclearwaters.”

Hindi nakasama ang panganay ni Kris na si Joshua sa naturang biyahe nila ni Bimby dahil mas ginusto ng binata na manatili sa Pilipinas dahil it’s more fun in the Philippines daw.

Monitored naman ni Kris kung ano ang ginagawa ni Joshua base na rin sa ipinadadalang litrato sa kanya ng yaya nitong si Bincai na umuwi sa Negros.

“We miss you, Kuya! Thanks Bincai for the constant updates -- they rented a house in Bincai’s hometown. Thank you for watching mama’s #TripNiKris - enjoy your Negros adventure,” post ng TV host with pictures ni Josh.

Samantala, may binanggit si Kris nang magpaalam sa kanyang two-hour special na “unang Trip ni Kris,” kaya nagkakatanungan ang netizens kung may kasunod pa raw ba ang napanood last Sunday. (REGGEE BONOAN)