PINAMUNUAN ni Peggy Whitson ng National Aeronautics and Space Administration, na malapit nang kilalanin bilang Amerikanong astronaut na may pinakamaraming karanasan sa kalawakan, ang International Space Station nitong Linggo sa paghahanda sa dalawang Russian crew member at sa isang Amerikano sa pagbabalik ng mga ito sa Earth.

Para kay Whitson, 57, ito ang kanyang pangalawang pagkakataon na maatasan sa $100-billion station, isang multinational project na pinangangasiwaan ng National Aeronautics and Space Administration at ng Russian space agency na Roscosmos.

Sa Abril 24, maglalaan si Whitson ng mas maraming oras sa kalawakan kumpara sa kahit sinong American astronaut, at lalagpasan ang kasalukuyang US record na 534 na araw ni Jeff Williams, 59, ng National Aeronautics and Space Administration. Nakuha na niya ang record para sa pinakamaraming oras na inilaan ng isang babae sa kalawakan at para sa pinakamaraming oras na inilaan ng babae sa pagsasagawa ng spacewalking.

“She will set another record at this moment,” inihayag ng paalis na U.S commander na si Shane Kimbrough nitong Linggo sa change of command ceremony na ipinalabas ng National Aeronautics and Space Administration TV. “She becomes the first two-time female commander of the International Space Station.”

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Inaasahang matatapos ni Kimbrough at ng Russian crewmates niyang sina Serfey Sergey Ryzhikov at Andrey Borisenko ang kanilang 173-araw na misyon sa Lunes, at magkakaroon ng parachute landing sa Kazakhstan dakong 7:21 ng umaga EDT (1121 GMT).

Darating naman ang kanilang mga kapalit na si Jack Fisher ng National Aeronautics and Space Administration, at Fyodor Yurchikhin ng Roscosmos, sa Abril 20 sa station, na mag-o-orbit ng halos 250 milya sa taas ng mundo.

Nagkasundo ang U.S at Russian space agencies noong nakaraang linggo na palawigin pa ng tatlong buwan ang misyon ni Whitson para maging ikatlong miyembro ng bagong crew.

Nagbabawas ang Russia ng miyembro nito sa station mula sa tatlo hanggang dalawa hanggang sa mailunsad ang bagong science laboratory sa susunod na taon, sinabi ng pinuno ng Roscosmos sa U.S Space Symposium sa Colorado Springs, Colorado, noong nakaraang linggo.

Lumipad si Whitson sa station noong Nobyembre kasama si Oleg Novitskiy ng Russia at Thomas Pesquet ng France.

Inaasahang babalik ang dalawa sa Earth nang hindi kasama si Whitson sa Hunyo 2.

Babalik si Whitson sa mundo sa Setyembre kasama sina Fishcer at Yurchikhin, na magkakaroon ng U.S. record na may higit 665 araw sa orbit. Ang Russian cosmonaut na si Gennady Padalka, na may 878 araw sa orbit, ang may pinakamaraming karanasan bilang space flier sa mundo. (Reuters)