Sa halip na magnilay-nilay ngayong Semana Santa, apat na katao, kabilang ang isang aktibong Army sergeant ng Philippine Army (PA), ang nahuli sa aktong bumabatak sa ikinasang buy-bust operation sa Taguig City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga inaresto na sina Army Sergeant Carlos Erne, Josephine Bajador, Reynaldo Bechayda at Benson Gierza, pawang sumasailalim sa masusing imbestigasyon.

Sa ulat na natanggap ni Southern Police District-Public Information Office (SPD-PIO) chief Supt. Jenny Tecson, dakong 1:00 ng madaling araw isinagawa ng Police Community Precinct (PCP) 2, sa pamumuno ni Senior Insp. Jonathan Arribe, ang operasyon sa isang bahay sa Ranger Street, Purok 1A, New Lower Bicutan ng nasabing lungsod.

Isang pulis ang tumayong poseur buyer ng P1,000 halaga ng shabu at bago pa man magkaabutan ay sinenyasan na niya ang kanyang mga kasamahan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Agad inaresto ng mga pulis ang mga suspek at narekober ang limang pakete ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia at P1,000 marked money.

Kasong paglabag sa Section 5 (drug pushing), Section 7 (visiting drug den), at Section 14 (possession of drug paraphernalia during parties & meetings) ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang isasampa laban sa apat na suspek. (Bella Gamotea)