MANAOAG, Pangasinan - Dagsa na ngayon ang mga tao mula sa iba’t ibang probinsiya na bumibisita sa Our Lady of the Most Holy Rosary of Manaoag sa Pangasinan.

Dama na rin ang pagdami ng sasakyang pumapasok sa mismong bayan ng Manaoag.

Sa dagsa ng mga deboto ngayong Semana Santa, naghigpit din ang pulisya sa mga sasakyan sa pagpasok sa mismong bayan.

Na-activate na rin ng Manaoag Police ang “Oplan Semana Santa” para magsagawa ng monitoring at ayudahan ang mga dumadagsang deboto.

Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental

Nakalatag na rin ang seguridad sa Manaoag. (Liezle Basa Iñigo)