Isa-isang dinakma ang 10 katao sa buy-bust operation sa Cainta, Rizal kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Rizal Police Provincial Office, dakong 10:00 ng gabi isinagawa ng Municipal Drug Enforcement Team (MDET) Operatives ng Cainta Municipal Police Station, sa pangunguna ni PO2 Ferdinand Reyes, ang operasyon sa Block 13 Bermai, Floodway, Barangay San Andres.

Si Reyes ang nagsilbing poseur buyer at agad inaresto ang target na si Conrado Taripa, alyas “Diego”, 36, ng Block 1 Lakas Tao, Barangay San Andres.

Bukod kay Taripa, inaresto rin ang mga umano’y kliyente niyang sina John Erolle Lopez, 21; Raniza Capistrano, 23; Isagani Capistrano, 33; Viancou Marr Alivio, 30; Iran Ramon Renato Gutierrez, 27; Cleope Salazar, 41; Christina Ferrer, 39; Patricio Villocillo, 49; Stephen Sabio, 28, pawang residente ng Bgy. San Andres.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Narekober mula sa mga suspek ang 9 na plastic sachet ng shabu, mga drug paraphernalia at P200 buy-bust money.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Cainta Municipal Police Station at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

(Mary Ann Santiago)