LAST Saturday sa It’s Showtime, binigyan si Vice Ganda ng engrandeng production number bilang bahagi ng celebration ng kanyang 41st birthday. Nauna rito ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa suportang patuloy na ibinibigay sa kanya ng madlang pipol.

Vice Ganda
Vice Ganda
Noong March 31 pa ang birthday ni Vice, pero hindi niya nakasama ang kanyang It’s Showtime family dahil nasa U.S. siya nang araw na iyon para sa kanyang Pusuan Mo Si Vice Ganda sa Amerika concert tour.

Sa isang maikling mensahe sa It’s Showtime , sinabi ni Vice na isa sa mga pangarap niya noon ay ang makapag-celebrate ng birthday sa GMA Supershow.

GMA Supershow ang nagreynang long-running Sunday musical-variety show noon ng yumaong Master Showman na si German “Kuya Germs” Moreno sa Kapuso Network.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Nakakatuwa dahil dati pangarap ko lang talaga nu’ng nanonood ako ng TV, nu’ng fan pa ako ng showbiz, sabi ko pangarap ko lang makapag-celebrate sa GMA Supershow. Kasi, di ba, ‘pag nag-birthday ka sa GMA Supershow, star ka?” masayang salaysay niya.

“Sabi ko, gusto ko ‘yung ganyan, ‘yung meron akong malaking cake, mayroong surprise guest. ‘Yung naka-gown ka habang kumakanta ka, ‘tapos biglang may lalabas na (kaibigan), ‘Hoy, sabi mo wala ka!’”

Kasunod nito ay muling nagpasalamat si Vice sa lahat ng sumusuporta sa kanya, lalo na’t minsan na rin daw niyang naramdamang tila humuhupa na ang ningning ng kanyang bituin.

“I must admit, there was a time na I thought people gave up on me. May pagkakataon na inaakala ko kinasawaan na ako ng mga tao, na ayaw na ako ng tao, hindi na nila ako panonoorin, may iba na silang gusto. Nalungkot talaga ako noon,” pag-amin ng unkabogable star.

“There was a time sobra akong nalungkot, sabi ko, ‘Tapos na ata iyong karera nu’ng kabayo. Nagtagumpay pala ang mga nagwi-wish na matapos na ang karera ng kabayo.’ Pero hindi, mas marami palang nagdadasal para sa akin.

“At iyong mga panahon na ako mismo pinagdudahan ko iyong sarili ko na, ‘Ay, wala na atang may gusto sa akin.’ Iyon pala, napalingon lang kayo sa iba, pero ako pa rin ang binalikan ng mga mata ninyo, kaya maraming salamat po.”

Ipinangako ni Vice na patuloy siyang magbibigay ng tawa at ngiti sa kanyang mga tagahanga, lalo’t napupuno na raw ng negatibong balita ang bawat sulok ng bansa.

“Lalo na ngayon sa Pilipinas, ang daming dahilan para maging malungkot, gusto ko isa ako sa mga maraming dahilan para pangitiin kayo araw-araw. Gusto kong maging sunshine ng buhay ninyo,” masayang pagtatapos niya. --Ador Saluta