PARIS, France (AP) – Nagwagi ang Serbia at France sa kani-kanilang Davis Cup quarterfinals nitong Sabado (Linggo sa Manila) para maisaayos ang duwelo sa unang pagkakataon mula noong 2010.

Jelena Ostapenko
Jelena Ostapenko (AP Photo/Mic Smith)
Host ang France sa semifinal duel sa September, at umaasanang makalalaro ang premyadong sina Jo-Wilfried Tsonga, Gael Monfils, at Richard Gasquet kontra sa Serbia na pangungunahan ni Novak Djokovic.

Ginapi ng Serbia ang France, hindi pa nananalo ng Davis Cup title sa nakalipas na 16 taon, sa huling pagtututos sa 2010 finals sa Belgrade, 3-2.

Sa kabila ng pagkawala ng tatlong pambatong player, nagawang walisin ng France ang Andy Murray-less Britain, 3-0.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Ibinigay nina Julien Benneteau at Nicolas Mahut ang panalo sa tie nang pabagsaki ang tambalan nina Dominic Inglot at Jamie Murray 7-6 (7), 5-7, 7-5, 7-5.

Winalis din ng Serbia ang Spain, 3-0, matapos talunin ng tambalan nina Viktor Troicki at player-captain Nenad Zimonjic sina Pablo Carreno Busta at Marc Lopez 4-6, 7-6 (4), 6-0, 4-6, 6-2 sa larong umabot sa tatlong oras.

“It’s really incredible, it gives you goosebumps,” sambit ni Benneteau. “Whether you’ve won 15 Grand Slams or none, playing in front of your country like this is incredible. It’s magical, fabulous.”