NAGPASIKLABAN ang mga kawani ng Senado at Kamara sa First Congressional Sports Invitational Tournament kamakailan sa Philippine Army Gym sa Taguig City.

Nagtagisan ng lakas at kakayahan ang Congressional staff at employees sa badminton, table tennis, darts, chess at volleyball.

Ang Senado ang nagtaguyod sa paligsahan na ang layunin ay maisulong ang pagkakaibigan at higit na ugnayan ng dalawang kapulungan.

Si House Secretary-General Cesar Strait Pareja ang kumatawan kay Speaker Pantaleon D. Alvarez samantalang si Senate Secretary Lutgardo B. Barbo ang kumatawan kay Senate President Aquilino Pimentel III. - Bert de Guzman

Pamilya, naglabas ng opisyal na pahayag sa pagpanaw ni Chino Trinidad