Ni ADOR SALUTA

Liza Soberano
Liza Soberano
KASAMA sa US at Canada tour ang sikat na tambalang LizQuen bilang bahagi ng Star Magic Annivesary US Tour. Kasama nilang tumulak nitong April 7 pa-America ang ilan sa mga bituin ng Star Magic.

Habang kinakapanayam ng press sa NAIA bago sumakay ng eroplano, ang sabi nina Liza Soberano at Enrique Gil, pareho silang excited sa kanilang pakikipag-bonding sa mga Pinoy overseas.

“It’s good to be back, I heard lahat ng mga fans ay ready na daw para sa pagdating namin doon,” bungad ni Enrique.

Human-Interest

Ang Pasko sa loob ng selda at mga munting hiling sa likod ng rehas

Excited at espesyal naman ang trip na ito para kay Liza.

“Ako, super excited kasi it’s a treat to spend time with our fans abroad at minsan lang nila kami nakikita, so we’re super excited to see their reactions. And this time, mas marami kami na pupunta doon,” pahayag niya nang makapanayam ng Push.com team.

Bukod dito, sinagot din ni Liza ang paulit-ulit na mga katanungan ng sambayanan kung siya ba talaga ang susunod na Darna.

“’Di ko po alam, wala pa naman po talagang official statement or release saying na I’m going to play the iconic role, pero if ever, I would love the role,” ani Liza.

Nananatili pa ring bukas ang dalaga kung sakaling siya nga ang gaganap dito.

“Sana po,” maikli niyang sagot.

Para kay Enrique, kung sakaling si Liza ang mapiling Darna, all-out support siya sa kanyang rumored girlfriend.