MULING ipagtatanggol ni International Boxing Organization (IBO) flyweight champion Moruti Mthalane ang kanyang titulo sa isang Pilipino sa katauhan ng walang talong si Genesis Libranza sa Abril 28 sa Cape Town, Western Cape, South Africa.

Binitiwan ni Mthalane ang IBF flyweight title para angkinin ang IBO crown noong 2014 sa 12-round split decision sa Pilipinong si Jether Oliva. Dalawang beses niya itong naidepensa pinakahuli sa pagtalo kay ex-WBC International flyweight titlist Renz Rosia noong Disyembre 12, 2015 via 9th round TKO.

Bukod kina Oliva at Rosia, may panalo rin si Mthalane sa mga Pilipinong sina Apol Suico na pinatulog niya sa 1st round at two-division world titlist John Riel Casimero via 5th round TKO pero natalo siya kay multi-division world champion Nonito Donaire Jr. nang hamunin niya ito noong 2008 para sa IBF at IBO flyweight titles.

Ito naman ang unang laban ni Libranza sa ibayong dagat pero may maganda siyang kartada na perpektong 11 panalo, walo sa pamamagitan ng knockouts, kumpara sa rekord ni Mthalane na 32-2-0 win-loss-draw na may 21 panalo sa knockout. - Gilbert Espeña

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!