STA. BARBARA, Pangasinan – Nasugatan ang deputy police provincial director ng Pangasinan makaraang bumangga sa puno ang minamaneho niyang kotse sa Barangay Matic-Matic sa Sta. Barbara, Pangasinan.

Batay sa impormasyon, maayos na ngayon ang lagay ng ilang araw ding nanatili sa ospital na si Supt. Jackie Candelario, 41, hepe ng Urdaneta Police at deputy director ng Pangasinan Police Provincial Office, makaraang maaksidente nitong Biyernes ng madaling araw.

Kaugnay nito, mahigpit ang panawagan ng Department of Public Works and Highways (DPWH)-Region 1 sa mga biyahero at motorista na maging alerto sa anumang obstruction sa kalsada sa pagbiyahe ngayong Semana Santa upang makaiwas sa aksidente. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental