Nina ELENA L. ABEN at ELLSON A. QUISMORIO

Muling iginiit kahapon ni Senator Loren Legarda ang panawagan niya na maging handa ang gobyerno at ang mamamayan sa lindol sa harap na rin ng magkakasunod na pagyanig sa Batangas na naramdaman din sa mga karatig nitong lalawigan hanggang sa Metro Manila nitong Sabado ng hapon.

Pinaalalahanan niyang muli ang mga disaster management agency, mga lokal na pamahalaan, mga leader ng komunidad, at ang mismong publiko na maging handa sa “Big One” o ang tinatayang 7.2 magnitude na lindol na posibleng yumanig sa Metro Manila anumang oras.

“We never know when an earthquake will occur. But we should know what to do before, during and after the occurrence of such events,” sabi ni Legarda. “Regular safety drills should be done to familiarize citizens with safety and disaster preparedness measures.”

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Siesmology (Phivolcs) na pasado 3:00 ng hapon hanggang pasado 4:00 ng hapon nitong Sabado ay nakapagtala ng magkakasunod na pagyanig sa Mabini, Batangas na ang pinakamalakas ay umabot sa magnitude 6.0. Naramdaman ito hanggang sa Metro Manila.

Nagdulot din ng pagkasira ng mga istruktura ang lindol, ilang bayan sa Batangas ang nawalan ng kuryente, at maraming tao ang tarantang nagpulasan palabas ng mga gusali.

PAGPAPLANO VS TRAHEDYA

“The key to effective disaster prevention is planning. It is important to know if our location is near an active fault and prone to liquefaction or landslide, which may cause damage to houses or buildings,” sabi ni Legarda.

“We have to ensure that buildings are not standing on active faults. Evaluation and retrofitting of public and private infrastructure is crucial in ensuring that buildings, bridges and other similar structures can withstand strong quakes,” dagdag pa ng senadora.

Paliwanag ni Legarda, nauuwi sa malaking trahedya ang mga lindol dahil sa mga hindi ligtas na istruktura—mga gusaling tinipid sa materyales, itinayo sa hindi tamang lugar, kakulangan sa partikular na disenyo at materyales, at mabilisan o pabara-barang konstruksiyon.

Ayon sa senadora, dapat na ihanda ng mga lokal na pamahalaan at mga barangay leader ang kani-kanilang komunidad, partikular sa pagtukoy sa mga open space na ligtas na pagtitipunan sa mga residente kapag lumilindol o pagkatapos yumanig at paglikha ng mga evacuation plan na makatutulong sa publiko upang kaagad at ligtas na makarating sa mga safe area.

EARLY WARNING SYSTEM

Binigyang-diin din ni Legarda ang kahalagahan ng epektibong early warning system at malawakang information at education campaign upang maipaalam sa publiko kung ano ang dapat gawin bago, habang at pagkatapos ng lindol.

Kaugnay nito, isinusulong naman ni AKO-Bicol Party-list Rep. Rodel Batocabe ang isang area-specific approach para sa Disaster Risk Reduction, Management and Education program ng mga eskuwelahan.

Inihain ni Batocabe ang House Bill (HB) No. 805 o ang “Act Mandating All Schools and Universities to Establish an Area-Specific Disaster Risk Reduction Management and Education Program in their Respective Jurisdictions.”

“In the wake of strong typhoons that hit the country, as well as the threat of other exposures such as the impending Big One that will lay waste in Metro Manila and the neighboring provinces, it is imperative that we educate our students with the proper decorum on the preparation and response to these kinds of disasters,” sinabi kahapon ni Batocabe.