VOLLEY DANCING! Tila sumasayaw ng break-dancing si Gizelle Tan ng Ateneo nang mapasubsob sa baseline nang tangkaing ma-saved ang bola, habang nakamatyag ang kasanggang si Jules Samonte sa kaagahan ng kanilang laro kontra La Salle sa UAAP women’s volleyball second round nitong Sabado sa Smart-Araneta Coliseum. (MB Photo |  RIO DELUVIO)
VOLLEY DANCING! Tila sumasayaw ng break-dancing si Gizelle Tan ng Ateneo nang mapasubsob sa baseline nang tangkaing ma-saved ang bola, habang nakamatyag ang kasanggang si Jules Samonte sa kaagahan ng kanilang laro kontra La Salle sa UAAP women’s volleyball second round nitong Sabado sa Smart-Araneta Coliseum. (MB Photo | RIO DELUVIO)

Ni Marivic Awitan

PANGHIHINAYANG o pride. Anuman ang kaganapan, sapat na ang nakapanlulumong kabiguan ng National University Lady Bulldogs nitong Sabado para magbitiw bilang head coach si dating National team mentor Roger Gorayeb.

“Wala eh! Nagkulang at kinapos. Nandun naman yung effort ng mga bata,” pahayag ni Gorayeb, patungkol sa banderang kapos na kampanya ng Lady Bulldogs.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

“As a courtesy I have to tender my resignation kasi dalawang taon na yan,” aniya.

“First two sets… Ganun talaga, di natuloy e. Kahit gaano ka-painful sa amin yun we have to accept it.”

Nabigo ang NU na makausad sa Final Four sa ikalawang sunod na season nang UAAP women’s volleyball nang silatin ng University of Santo Tomas Tigresses sa makapigil-hiningang five-setter nitong Sabado sa Araneta Coliseum.

Nakauna ang Lady Bulldogs sa unang dalawang set at nagsisimula na ang pagdiriwang ng Sampaloc-based spikers, ngunit matikas na nakabangon ang Tigresses para maipanalo ang sumunod na tatlong set at kumpletuhin ang come-from-behind win.

Ang kabiguan, ikapito ngayong season, ang muling naging daan para sa pagkakapatalsik sa Lady Bulldogs sa Final Four.

Wala pang pormal na pahayag ang NU management hingil sa pagbibitiw o tinanggap ang kanyang pagbibitiw sa puwesto.

Sa loob ng dalawa at kalahating taon ng kanyang pagiging mentor ng NU, nagawa niyang madala ang koponan sa Final Four noong Season 77, matapos niyang palitan ang dating coach na si Ariel de la Cruz matapos ang unang round.

Ngunit, sa sumunod na dalawang season, nabigo siyang maitawid ang koponan sa Final Four. Kaya naman kusa na siyang nagbitiw upang bigyan ng pagkakataon ang management na pag -aralan at busisiin ang kanilang programa.

“Kung pababalikin ako okay lang, kung hindi naman okay lang din kasi kailangan they should have a freehand kasi two years na,” dagdag ni Gorayeb .

Gayunman, naniniwala siyang may mabuting kinalabasan ang nagdaang dalawang taon partikular ang paglabas ng mga natatanging talento ng kanyang mga players.

“Naayos naman na yung team ngayon. Magandang simula na ito kesya noong isang taon,” ayon pa sa multi titled coach

“Maraming talent na lumabas. Si Jaja [Santiago] nagkaroon na siya ng ibang position, yung setter namin si Jasmin [Nabor] para siyang green horn ngayon. Ngayon lang siya naglaro buong season na setter siya kailangan lang gumanda lang yung gel ng team. Maganda ng simula yan.”

“It’s a good run. Kulang lang talaga ng effort konting konti pa. Nandiyan pa naman lahat next year.”