DALAWANG linggo na lamang ang distansiya ni ONE Lightweight World Champion Eduard “Landslide” Folayang para sa kasaysayan.
Target ni Folayang, pinakasikat na miyembro ng Team Lakay ng Baguio City (17-5), na maidepensa ang korona sa harap nang nagbubunying home crowd sa Abril 21 sa MOA Arena.
Kumpiyansa at handa si Folayang na ipatikim kay Malaysian challenger Ev “ET’ Ting (13-3) ang lupit na nagdala sa kanya para tanghaling kampeon sa pinakamalaking MMA promotion sa Asya.
Hindi estrangero ang 27-anyos na si Ting sa Pinoy fighter na pawang nagdulot sa kanya ng hinanakit at kabiguan tulad nina Eric at Edward Kelly, Cary Bullos, at Honorio Banario, kasanffa ni Folayang sa Team Lakay.
Ngunit, nais ni Folayang na makasiguro ng panalo kung kaya’t puspusan ang kanyang paghahanda at pagsasanay para mapanatili ang kumpiyansa sa kanyang kaisipan at pangangatawan.
“I know the stakes. I know what’s riding on this fight. Ev (Ting) is coming for my belt, he’s coming to take what I’ve worked so hard for my entire career. There is no way I’m just going to let him take it. It’s not going to be easy, that’s for sure,” pahayag ni Folayang.
Ayon kay Team Lakay head coach Mark Sangiao,nasa tamang kundisyon si Folayang ang nasunod ang programang inihanda niya para sa laban kay Ting.
“When I enter that cage, my entire mindset changes. The time for being nice and playing games is over. Once that cage door closes, my focus shifts entirely to battle. It’s different because it’s just like taking final exams, if I don’t take it seriously, I myself will fail. Only one guy gets to walk out of the cage a winner, so I make sure that guy is me,” sambit ni Folayang.
“Outside the cage, I don’t know Ev personally but I think he is a stand-up individual. Once we step inside those steel doors however, it’s time for the Landslide to take over. I put everything into my performance. All the months of hard work and sacrifice boils down to just one night so I have to make it count,” aniya.
Walang tulak-kabigin sa dalawang fighter kung lakas at diskarte ang pag-uusapan, subalit sa isang banda nakalalamang si Folayang na may anim na panalo via knockout at dalawang submission.
Nakalinya rin bilangf supporting bout sa ONE: KINGS OF DESTINY sina Filipino warriors Honorio Banario, Kevin “The Silencer” Belingon, at Eugene Toquero. Sasabak naman sa unang pagkakataon sa ONE Championship si Gina Iniong kontra sa Fil-Am na si Natalie “The Kilapino” Gonzales Hills.
Makabibili na ng tiket. Para sa karagdagang impormasyon, buksan ang www.onefc.com, o subaybayan ang Twitter at Instagram @ONEChampionship.