Ipinamamadali ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Budget and Management (DBM) at Department of National Defense (DND) ang pagpapalabas ng P6.421-bilyon pensiyon ng mga beterano ng digmaan at ng iba pang retirado ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi nabayaran sa nakalipas na dalawang administrasyon.

Nangako ang Pangulo ng “better life” para sa mga beteranong sundalo at pamilya ng mga ito nang magbigay-pugay siya sa mga bayani ng digmaan sa paggunita ng ika-75 Araw ng Kagitingan sa seremonya sa Mt. Samat National Shrine sa Bataan kahapon.

“I am directing the Department of Budget and Management, DBM, and the Department of National Defense to expedite the early release of the AFP’s retirees pension credentials for fiscal years 2008 to 2013 in the amount of P6.421 billion,” sabi ni Pangulong Duterte.

“No matter what we do, we can never do enough to repay you. But I would like for you to know that your government is doing much, much more,” dagdag niya.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

“Our surviving veterans have suffered much. They should not suffer more in the twilight of their years. They deserve a better life,” sabi pa niya.

Umani ng malakas na palakpakan ang pahayag na ito ng Pangulo mula sa nangagtipong war veteran at kanilang mga pamilya na dumalo sa seremonya.

“Mabuhay ang beterano. Mabuhay ang Pilipinas. Saludo ako sa inyo, sir. Sana may giyera rin para ma-hero kami,” biro pa ni Duterte. - Genalyn Kabiling

at Beth Camia