NAIIBA ang experience ni Benjamin Alves sa ginawa niyang afternoon prime drama series na Pinulot Ka Lang sa Lupa na akala niya ay namatay na siya.
“Na-hurt din ako nang mawala na ako sa eksena, parang nawalan ako as Ephraim, ng family,” kuwento ni Benj. “Pero ang mga fans nag-wish na bigyan ako ng chance na buhay naman pala ako. Kaya natuwa ako na buhay pa pala ako. Iyon nga lang, ganito na ang itsura ko, taong-grasa, dahil nasunog ako, hanggang sa huli.“Natawa nga ako nu’ng isang araw na may taping kami na kailangan kong pumunta ng GMA Network Center dahil may event na dapat kong puntahan doon, kaya dali-dali akong lumipat mula rito sa location tumawid ako sa kabilang side, dire-diretso akong pumasok, binati ko pa ang mga guards, ‘tapos nakita kong gusto nila akong habulin, bakit nga naman papapasukin ang itsura kong ito. Mabuti na lang nakasunod agad sa akin ang handler ko at sinabing si Benjamin Alves ako.”
Ipinaalam na noong isang hapon na buhay nga si Ephraim, abangan na lang ang revelation kung paano siya nabuhay, sa pagtatapos ng serye sa Holy Wednesday, pagkatapos ng Legally Blind.
Makikitang masaya si Benjamin, matapos mag-birthday last March 31 at hindi man niya aminin na “sila na” nga ng katambal na si Julie Ann San Jose, ano pa ba ang tawag sa kanya ni Julie ng ‘Mi Amor’ then, lahat ng gusto niya, isinorpresa sa kanya sa set nila dahil working birthday iyon sa kanya: clothes, cake, balloons, wine.
“Big surprise sa akin iyong Nintendo switch dahil wala pa rito, in-order pala niya iyon sa Singapore. Tinandaan pala niya lahat kung ano ang gusto ko, kapag nag-uusap kami.”
Saan sila magbabakasyon ni Julie ngayong Holy Week?
“Hindi kami magkasama ni Julie pero inimbita ko siya sa Pampanga para ma-meet niya ang brother ko and his family na galing sa Guam at pumayag naman siya. Meron po kasing event din si Julie sa kanila sa Subic, ako naman dito sa church namin sa Victory sa The Fort. I want to stay here in Manila, walang tao, tahimik, walang traffic.” --Nora Calderon