DELHI (Reuters) – Napigilan ng isang Chinese navy ship sa tulong ng isang Indian navy helicopter ang tangkang pag-hijack ng mga piratang Somali sa isang Tuvalu-flagged merchant ship na pawang Pilipino ang crew, sinabi ng defense ministry ng India kahapon.

Ang barkong OS 35 ay iniulat na inaatake noong Sabado sa Gulf of Aden

Sinabi ng Indian defense ministry na apat sa kanyang navy ship sa lugar ang rumesponde sa distress signal mula sa barko at narating ang bulk carrier kinaumagahan ng Linggo.

Ayon dito, nagtago ang crew sa strong room, tinatawag na citadel, ng barko nang malaman nilang sila ay inaatake alinsunod sa nakaestablisang safe shipping operating procedures.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

“An Indian Navy helicopter undertook aerial reconnaissance of the merchant vessel at night, and at sunrise ... (to) ascertain the location of pirates, if still on board,” saad sa pahayag ng defense ministry.

“Subsequently ... a boarding party from the nearby Chinese Navy ship went on board the merchant ship, while the Indian Naval helicopter provided air cover for the operation.”

Ipinahayag naman ng China defense ministry na isang Chinese navy frigate na nagpapatrulya sa lugar ang tumugon sa distress call mula sa barko, na ayon dito ay inakyat ng mga pirata. Isang helicopter ang nagsagawa ng surveillance sa barko bago ipinadala ang 16 na sundalo ng navy special forces para sagipin ang mga tripulanteng Pinoy.

Ayon sa Indian defense ministry, pawang Pilipino ang 19 na crew ng barko at pinasalamatan ng kapitan ng barko ang Indian navy sa kanilang pagresponde at pagkakaloob ng air cover.

Sinabi ni John Steed ng aid group na Oceans Beyond Piracy sa Reuters na patungo na ngayon ang barko sa susunod na daungan kasama ang navy escort.

Nakasaad sa website ng United Kingdom Maritime Trade Operations, nangangasiwa sa shipping sa bahagi ng Gulf of Aden, na gumamit ang mga pirata ng bangka para marating ang barko.