PANAHON NG PAGNINILAY Taimtim na nagdarasal si Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle bago basbasan ang mga Palaspas sa pagsisimula ng misa para sa Linggo ng Palaspas kahapon sa Manila Cathedral sa Intramuros, Maynila. (MB Photos | ALI VICOY)
PANAHON NG PAGNINILAY Taimtim na nagdarasal si Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle bago basbasan ang mga Palaspas sa pagsisimula ng misa para sa Linggo ng Palaspas kahapon sa Manila Cathedral sa Intramuros, Maynila. (MB Photos | ALI VICOY)

Hinimok kahapon ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga mananampalataya na samantalahin ang ilang araw na paggunita ng Semana Santa upang mas makilala pa si Hesus.

“It’s important that we again deepen our understanding of Jesus,” bahagi ng kanyang sermon nang pangunahan niya ang misa at pagbabasbas sa Linggo ng Palaspas sa Manila Cathedral sa Intramuros kahapon.

“I hope those who will attend the different activities here at the cathedral this week will focus on that. Who is Jesus? Who is He that we follow?” dagdag ni Tagle.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“Do we accept the real Jesus or is it the Jesus that is in our imagination that we accept?” tanong ni Tagle. “Accepting the real Jesus means accepting His presence in the poor, those being looked down by the society, those being insulted in this world...yet they remain dignified.”

Pangungunahan din ni Cardinal Tagle ang mga aktibidad ngayong Kuwaresma sa Manila Cathedral, gaya ng Chrism Mass sa Huwebes Santo, sa ganap na 7:00 ng umaga.

Dakong 5:00 ng hapon, magkakaroon ng misa para sa Huling Hapunan, at bahagi ng misa ang Washing of the Feet.

Bandang 3:00 ng hapon naman magsisimula ang paggunita sa Pasyon ni Kristo sa Biyernes Santo, at susundan ito ng Veneration of the Cross. Bago ito, may mga panalangin at pagninilaw para sa Seven Last Words simula 12:00 ng tanghali hanggang 3:00 ng hapon, habang 8:30 ng umaga naman ang simula ng Stations of the Cross.

Sa ganap na 8:00 ng gabi naman ang Easter Vigil sa Sabado.

Magkakaroon din ng kumpisalan simula ngayong Lunes Santo hanggang sa Sabado de Gloria sa Manila Cathedral, sa ganap na 8:00 ng umaga. - Leslie Ann G. Aquino