ANG asawang si Mila Kunis at ang kanilang dalawang anak ang itinuturong dahilan ni Ashton Kutcher kaya siya nagiging mabuting tao.

Pinarangalan ang 39-anyos na aktor ng Robert D. Ray Pillar of Character Award sa Ron Pearson Center sa West Des Moines, Iowa noong Sabado. Kinilala ng award ang “good character as a role model” ni Kutcher na nagsabing malaki ang naitulong ng kanyang pamilya sa paghuhubog ng kanyang reputasyon.

Sinimulan ni Kutcher sa biro ang kanyang talumpati, na siya marahil ang unang taong pinarangalan ng award na inaresto noong siya ay 18 taong gulang dahil sa “felony burglarly.”

Pabiro ring ikinuwento ng The Ranch star ang naranasang “pulled over by a state trooper while tripping on mushrooms,” at paglabas ng kanyang pangalan sa “every gossip magazine as an adulterer,” ilang taon na ang nakalilipas.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Gayunman, inihayag niya na malaki ang naituro sa kanya ng kanyang mga pagkakamali. “It’s not whether you win or lose, it’s how you learn from the mistakes that you make and how you perceive the world that’s coming at you.”

Iniaalay din ni Kutcher ang award sa kanyang asawa, “who kicks my ass on character every day.

“I thought I was awesome because I got up early and helped with the kids before she woke up and I let her sleep a little bit,” aniya. “Then she’s like, ‘Well, now you’re gonna act tired? I do it every day.’ But it was a character moment, right? Because she’s right!”

Ikinasal sina Kutcher at Kunis noong Hulyo 2015 at mayroong dalawang anak, sina Wyatt, 2, at Diminitri, apat na buwan. Inihayag ng proud papa na sila ang “the greatest, greatest lesson in character in my life.”

“When my wife and I had these kids and we got to share that amazing, amazing, amazing honor, my first response was, I wanted to call my parents and say, ‘I’m sorry, because I never knew how much you loved me,’” aniya.

Pinasalamatan din ni Kutcher ang kanyang kapatid na si Michael Kutcher sa pagtuturo tungkol sa kanyang kakayahang magmahal at tumanggap ng kapwa.

“My brother was born with cerebral palsy and it taught me that loving people isn’t a choice and that people aren’t actually all created equal,” kuwento ni Kutcher. “The Constitution lies to us. We’re not all created equal. We’re all created incredibly unequal to one another, in our capabilities and what we can do and how we think and what we see.

But we all have the equal capacity to love one another, and my brother taught me that.” (ET Online)