Pinagdadakma ang limang katao na nakuhanan ilegal na droga sa Paco, Maynila kamakalawa.

Kinilala ang mga suspek na sina John Paul Chavez, 38; Louie Dela Cruz, 32; Joren Jimenez, 25; Roel Diamante, 42; at Enrique Palonson, 42.

Base sa report, dakong 2:00 ng hapon, nagsagawa ng anti-criminality patrol ang mga tauhan ng Pandacan Police Station sa kahabaan ng Gomez Street, at kanilang nilapitan ang mga suspek.

Nang isa-isang kapkapan, nakuha sa mga ito ang limang pakete ng hinihinalang shabu.

Kasalukuyang nakakulong ang lima sa Pandacan Police Station. (Jaimie Rose Aberia)

National

SP Cayetano sa posibleng kudeta ulit sa Senado: 'Buo yung 13, sa 13, walang onsehan!'