Ilang tama ng bala sa katawan ikinasawi ng isang lalaki na hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos umanong manlaban sa mga pulis sa buy-bust operation sa Quiapo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang lalaki na si Mark Jason Rebolledo, nasa hustong gulang, at walang permanenteng tirahan.

Sa ulat ni SPO3 Milbert Balinggan, ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), bandang 12:15 ng madaling araw ikinasa ang operasyon sa Ma. Cardena Street, malapit sa kanto ng Severino Reyes St., sa Quiapo.

Isang pulis ang nagsilbing poseur buyer at nang makuha na ang shabu mula kay Rebolledo at siya’y aarestuhin na, pinaputukan na nito ang pulis.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Mabilis namang nakaiwas ang poseur buyer na agad sinaklolohan ng kanyang mga kabaro at pinaputukan si Rebolledo na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Narekober mula kay Rebolledo ang isang caliber .38 na baril, P300 marked money at tatlong plastic sachet ng shabu.

(Mary Ann Santiago)