rayver-and-janine-copy copy

HINDI alam ng aming source kung nanliligaw o may planong manligaw si Rayver Cruz kay Janine Gutierrez, pero may source kaming nagbulong sa amin na dalawang beses na raw pumunta ang Kapamilya actor sa restaurant na pag-aari ng nanay ng Kapuso actress na si Lotlot de Leon sa may Aguire Street, BF Homes, Parañaque City.

Nagkakilala na raw sina Rayver at Janine sa opening ng South Grill kamakailan nu’ng imbitahin siya.

“Malapit lang pala ang bahay nina Rayver sa restaurant kaya doon sila kumakain ng kapatid niyang si Rodjun, paborito nga niya ‘yung pork belly.

Lalaki, pumatol sa misis ng kasamahan sa trabaho; nahawaan ng HIV

“Itinutukso si Rayver kay Janine at ang ganda ng ngiti ni Rayver, halatang kinikilig.

“Nababaitan nga sa kanya si Lotlot, eh. If ever sigurong manligaw si Rayver kay Janine, welcome siya kay Lotlot kasi napakamarespetong bata raw,” kuwento ng aming source.

Saksi kami kung gaano kabait at karespetong tao ni Rayver bukod pa sa pagiging gentleman dahil may alam kaming babae na ang lumalapit sa kanya at nagbigay ng motibo, pero hindi niya sinamantala.

Nakakapagtaka nga lang kung bakit hindi ito nakita ng magulang ni Sarah Geronimo noong sila pa.

Samantala, kasama si Rayver sa fantaseryeng Alamat na ang bida ay ang love team nina Bailey May at Ylona Garcia at kasama ring umalis ang aktor para sa 25th anniversary show ng Star Magic sa Las Vegas, San Francisco at Hawaii through TFC sa loob ng dalawang linggo.

Makakasama ng aktor sa show na gaganapin sa Abril 14 Rio All Suite Hotel and Casino sa Flamingo Road, Las Vegas sina Piolo Pascual, Kim Chiu, Xian Lim, Robi Domingo at Sam Milby.

Sa Abril 15 show ay sa Great America, Santa Clara, California ay sina Piolo, Jodi Sta. Maria, Kim, Xian, Liza Soberano, Enrique Gil, Janella Salvador, Arci Muñoz, Robi, Eric Nicolas, Darren Espanto at Sam.

Naunang lumipad ang mga nabanggit dahil may April 9 show sila sa Queen Elizabeth Theater, Vancouver Canada at sa Martes, Abril 11 pa ang alis ni Rayver para sa April 14 show. (Reggee Bonoan)