Inihayag na ang pagdedepensa ni IBF junior flyweight champion Akira Yaegashi laban kay interim titlist at mandatory challenger Milan Melindo ng Pilipinas na itinakda sa Mayo 21 sa Tokyo, Japan.

Matagal iniwasan ng three-division champion na si Yaegashi si Melindo pero inobliga na siya ng IBF kaya napilitang magdepensa sa Pilipino na tatangkaing maging regular champion sa ikatlong pagkakataon.

May record si Yaegashi na 25-5-0 win-loss-draw na kinabibilangan ng 13 panalo sa knockouts samantalang si Melindo ay may 35-2-0 win-loss-draw kabilang ang 12 pagwawagi sa knockouts.

Hindi naman matutuloy ang sagupaan ngayon sa London, Great Britain nina WBO No. 1 bantamweight Arthur Villanueva at dating IBF super flyweight champion Zolani Tete ng South Africa matapos ikansela ito at itakda ang eliminator bout sa Abril 22 sa Manchester Arena, Manchester, Lancashire, United Kingdom.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Schedules change all the time. As fighters, we have to adjust,” sabi ni Villanueva sa Fightnews.com sa biglaang kanselasyon ng laban.

“The new date isn’t too far ahead, and that my team has been informed about possible changes around two weeks back, so this doesn’t totally affect my conditioning and sparring”.

May record si Tete na 24-1-0 win-loss-draw kabilang ang 20 pagwawagi sa knockouts samantalang si Villanueva ay may kartadang 30-1-0 win-loss-draw na may 16 na panalo sa knockouts. (Gilbert Espeña0