Binigyang-babala ng mga eksperto ang mga nagpaplanong mag-uwian sa mga lalawigan ngayong Semana Santa, gayundin sa mga balak na magbakasyon sa iba pang bahagi ng bansa, tungkol sa mga bantang pangkalusugan na maaari nilang maranasan.

Sa press briefing, sinabi ni Dr. Katha Ngo, ng Internal Medicine-Infectious Diseases department ng ManilaMed, sa mga bakasyunista kung paano silang malalantad sa sari-saring virus sa pagpunta sa matataong lugar, kabilang na ang mga bus terminal.

“There are some infections that can be transmitted readily in crowded places. So itong crowded places are ideal conditions to spread acute respiratory infections like cough, flu and influenza. These viruses can be transmitted from one person to another especially sa crowded places, mabilis talaga mag-spread,” sabi ni Ngo.

“Preventive measures, of course, you wear mask kung alam mo ‘yong mga kasama mo may ubo’t sipon tapos keep yourself hydrated. Then always practice a good personal hygiene,” dagdag niya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nagbabala rin siya sa publiko laban sa pagbili ng pagkain sa mga bus terminal at sa iba pang inilalako sa mga bangketa.

“Avoid eating roadside food… lalo na ‘yong sa mga bus terminal. Puwede silang magkaroon ng diarrhea, pagsusuka, kasi hindi proper handling of food. They can also have diarrhea kasi contaminated iyong tubig or iyong ice na gagamitin nila,” paliwanag ni Ngo.

Samantala, pinayuhan naman ni Justine Nuñez, ManilaMed dietitian at nutritionist, ang mga mag-a-outing na mas mainam na lutuin ang kanilang pagkain sa lugar na pupuntahan.

“Mas maganda kung naroon ka na sa venue bago ka magluto kasi… maraming factors na puwede maging crucial sa growth ng microorganisms, kasama iyong time. Iyong travel time natin, puwede siya makaapekto sa pagbunga ng bacteria sa mga kinakain natin,” sabi ni Nuñez. “Make sure na safe ang mga kinakain natin kasi naroon ka nga para mag-enjoy tapos ang mangyayari pa magkakaroon ng pagkapanis o spoilage iyong pagkain mo.… Imbes na nag-enjoy ka sa summer nasa ospital ka.”

“Sa juices and refreshments, make sure na cold ang cold temperature. Puwede naman siya i-mix na at home, may sugar naman. ‘Yong sugar it actually avoids spoilage kasi iyong sugar po is hygroscopic, ibig sabihin it draws water, so ibig sabihin mataas ang sugar content it means hindi makakain ng microorganisms,” paliwanag ni Nuñez.

(Charina Clarisse L. Echaluce)