MANAOAG, Pangasinan – Masuwerteng nabuhay ang isang barangay chairman makaraang paulanan ng bala ng dalawang armadong sakay sa motorsiklo sa Manaoag, Pangasinan.
Iniulat kahapon ng Manaoag Police na bagamat nakaligtas sa tiyak na kamatayan ay may mga tama ng bala ang suot na jacket at ang motorsiklo ni Tito Barrozo, 40, chairman ng Barangay Mermer, Manaoag.
Dakong 10:45 ng gabi nitong Biyernes nang mangyari ang krimen. (Liezle Basa Iñigo)